Tatlong buwan na fishing ban sa Visayan Sea nagtapos na; panghuhuli ng isdang tamban pwede na

Maari na muling manghuli ang mga commercial fishing vessels ng isdang tamban, mackerel at ilan pang kauri nito sa buong Zamboanga Peninsula.

Ito ay kasunod ng alisin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang closed fishing season sa Visayan Sea.

Ayon sa BFAR, December 2, 2022 nang ipatupad ang closed fishing season sa nabanggit na karagatan.


Kabilang sa mga ipinagbawal na hulihin sa Visayan Sea ay ang isang tamban na pangunahing ginagamit sa paggawa ng sardinas.

Ang closed fishing season ay taunang ipinatutupad para bigyan ng pagkakataon ang dagat na makapagpahinga sa malalaking barko at makapagparami din ng mga isda.

Facebook Comments