Tatlong buwan na fishing ban sa Zamboanga Peninsula, inalis na ng BFAR

Pinayagan ng muli na makapangisda ang mga commercial fishing vessel sa karagatan ng Zamboanga Peninsula matapos ang tatlong buwan na Fishing Ban.

Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), maaari ng mang huli ng isdang tamban sa naturang karagatan.

Paliwanag ng BFAR na ang tamban ang isda na ginagamit para sa paggawa ng sardinas.


Umaasa ang BFAR na madadagdagan ang suplay ng isdang tamban sa merkado ngayong inalis na ang fishing ban.

Ang pagbabawal na makapangisda sa loob ng tatlong buwan ay paraan ng BFAR para bigyan ng pagkakataon na makapagparami ng isda sa nasabing lugar.

Facebook Comments