Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na magsisimula na sa November 1 ang pagbabawal na manghuli ng isdang mackerel at sardines sa mga karagatan ng northeast ng Palawan.
Gayundin sa Visayan Seas at Zamboanga Peninsula simula November 15 dahil sa ipatutupad na three-month closed fishing season ng isdang mackerel.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel, ito ay dahil ang tatlong lugar ang spawning grounds para sa mga small pelagic fish tulad ng sardines at mackerel.
Dahil sa panahon ng closed season ay mababa ang suplay ng naturang mga isda, pinayagan naman ng DA ang importasyon ng 30,000 metric tons ng pelagic fish species para sa huling kwarter ng 2024 para punan ang demand sa naturang mga isda sa closed fishing season.
Facebook Comments