Pinagbigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hirit ng mga driver at operator ng pampublikong jeepney na mapalawig pa ang deadline ng PUV consolidation.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ni Transport Secretary Jaime Bautista, na nagbibigay ng karagdagang tatlong buwan sa consolidation ng mga pampublikong sasakyan hanggang April 30, 2024.
Ang pagpapalawig na ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga jeepney driver at operators na nagpahayag ng intensyon na magconsolidate ng kanilang unit o makilahok sa PUV modernization program ng pamahalaan ngunit naabutan ng cut-off noong December 31, 2023.
Facebook Comments