Tatlong buwang extension sa PUV consolidation, mas magbibigay ng panahon sa mga driver at operator na ayusin ang partnership sa gobyerno – Sen. Ejercito

Mas mabibigyan ng pagkakataon ang drivers at operators na ayusin ang kanilang partnership sa gobyerno matapos na magdesisyon ang pangulo na palawigin pa ng tatlong buwan ang franchise consolidation ng mga Public Utility Vehicle (PUV) sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Senator JV Ejercito, welcome sa kanya ang desisyon ng pangulo na i-extend ang deadline para sa PUV consolidation hanggang April 30.

Aniya, ang tatlong buwan na extension na ito ay magbibigay ng mas maraming oras para sa drivers at operators na gustong makipag-partner sa pamahalaan para masolusyunan ang lumalalang problema sa transportasyon at mag-alok ng maaasahang serbisyo sa mga commuters.


Ang pagpapalawig pa sa deadline ng PUV consolidation ay nakahanay aniya sa layunin ng gobyerno na padaliin ang maayos na transition ng sektor at tiyakin na ang proseso ay magiging kaaya-aya sa operators at drivers.

Muli ring tiniyak ni Ejercito na buo niyang sinusuportahan ang pagpapahusay at pagmodernisa ng public transport system sa bansa.

Facebook Comments