Tatlong buwang gulang na sanggol, pinaka-batang biktima ng online child sexual abuse sa bansa

Labis na ikina-alarma ng Department of Justice (DOJ) na nagiging biktima na rin ng online sexual abuse and exploitation of children sa bansa maging ang mga sanggol.

Sa Malacañang press briefing, tinukoy ni DOJ Spokesperson Assistant Sec. Mico Clavano na isang tatlong buwang gulang na sanggol ang naitalang pinaka-batang biktima ng online child sexual abuse.

Nasa 11 taong gulang naman aniya ang average na edad ng mga biktima, kung saan 86% ay mga babae, at 14% ang lalaki.


42% sa mga kaso ay kinasasangkutan pa ng mismong mga magulang, habang 41% ay kagagawan ng guardians o iba pang kaanak.

Ayon kay Clavano, kung hindi aaksyunan agad ay kalimitang tumatagal ng dawalang taon ang pang-aabuso.

Samantala, galit na galit naman aniya si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa mga nagaganap na pang-aabusong sekswal sa mga bata.

Giit ng pangulo na nais niyang maging legasiya ng kanyang administrasyon na tuluyan nang masawata ang mga pang-aabuso sa mga bata dahil wala sa kultura ng mga Pilipino ang ganitong uri ng Gawain.

Facebook Comments