Tatlong Chinese National, arestado matapos mahulihan ng kahon-kahong alak sa checkpoint

Naharang sa quarantine checkpoint sa Alabang Exit, Filinvest, Muntinlupa City ang isang Toyota Fortuner na may lamang 32 kahong alak pasado alas-5:45 ng hapon kahapon.

Arestado ang tatlong Chinese National na sina Dai Bizhu, Wei Peng Li, at Wei Peng wen na parehong mga residente ng Rosario, Cavite.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa pulis, hiningan ng quarantine pass ang mga suspek pero walang naipakita ang mga ito, kaya naman agad na na-check ang laman ng sasakyan at doon nila nakita ang dala ng mga suspek na kahon-kahong mga alak.


Agad naman itong inaresto at dinala sa Muntinlupa Police Station para sa proper disposition.

Nahaharap ang tatlong Chinese National sa mga kasong paglabag Enhanced Community Quarantine (ECQ) at City ordinance kaugnay sa pagbabawal ng pagdala o pagbili ng alak.

Facebook Comments