Tatlong Chinese national na nandukot, arestado sa Laguna

Calamba, Laguna – Kalaboso ang tatlong Chinese national na dumukot sa isang kapwa nila tsino sa Calamba, Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Su Sheng Fu, 27; Yu Guan Dong, 33 at Chen Wen, 22, pawang mga naninirahan sa Makati.

Ayon kay Calamba Police Chief Supt. Sonny Celedio, nakatanggap sila ng tawag mula sa opisyal ng barangay hinggil sa kahina-hinalang Toyota Innova ng mga suspek na napansing paikot-ikot sa lugar.


Nang pahintuin, nakita ng mga pulis sa loob ng sasakyan ang biktimang si Jackie Ong, 36-anyos na finance head ng isang communications firm sa Makati City.

Aniya, nakaposas ang kamay at paa ni Ong nang masagip.

Lumabas kanilang imbestigasyon na dinukot ng mga suspek ang biktima mula sa harap ng isang condominium sa Makati nitong Biyernes.

Facebook Comments