Tatlong Chinese nationals, tumulong kina Alice Guo at mga kasama nito habang nasa ibang bansa

PHOTO: Senate of the Philippines

Tinukoy ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi lang isa kundi tatlong Chinese nationals ang tumulong kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at mga kasama nito sa ibang bansa.

Bukod kay Huang Zhiyang na tinukoy din ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na boss ng lahat ng mga boss ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa, pinangalanan ni Gatchalian si Duanren Wu at Zhang Jie na mga Chinese nationals na tumulong kina Guo habang palipat-lipat at nagtatago ang mga ito sa ibang bansa.

Si Duanren Wu ay top executive ng Whirlwind Company na nagparenta ng ni-raid na POGO sa Porac, Pampanga habang si Zhang Jie ay presidente naman ng Lucky South 99 na  POGO sa Porac.


Sinabi ni Gatchalian na ang tatlong ito ang nagbook ng mga hotel at nagasikaso sa biyahe nina Guo sa Malaysia, Singapore at Indonesia.

Magkagayunman, hindi pa makumpirma kung ang tatlo rin ang tumulong kay Alice Guo at sa iba pa sa pagtakas mula sa Pilipinas.

Facebook Comments