Tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao, nananatiling positibo sa red tide

Nananatiling positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ang tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao.

Ito ay batay sa pinakahuling test na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang mula sa coastal waters ng Dauis, Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.


Sa kabila nito, sinabi ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango, basta huhugasan at lulutuing mabuti ang mga ito.

Facebook Comments