TATLONG COLD STORAGE FACILITY SA BAYAN NG BAYAMBANG, ININSPEKSYON NG BUREAU OF PLANT INDUSTRY

Ininspeksyon ng mga kawani ng Bureau of Plant Industry ang tatlong Cold Storage Facility na matatagpuan sa bayan ng Bayambang.
Dito, pinangunahan ng mga kawani ng BPI- Plant Product Safety Unit Baguio na may layuning naipapatupad ng mga nangangasiwa ng naturang cold storage ang mga pamantayan sa pasilidad gaya na lamang ng mandatory accreditation ng lahat ng Cold Storage Warehouses sa buong bansa.
Ang naturang inspeksyon ay dahil sa bisa ng Administrative Circular No. 1 series of 2021 ng Bureau of Plant Industry.

Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan, natalakay sa Sangguniang Panlalawigan, na ayon sa Office of the Provincial Agriculture ay may kakulangan ng cold storage sa Probinsya ng Pangasinan kung saan sa bayan ng Bayambang at San Fabian lamang sa lalawigan ang mayroong cold storage.
Nangako naman si Provincial Agriculturist Dalisay Moya na gagawin ang kanilang makakaya upang makapagpatayo ng cold storage sa lalawigan na kailangang-kailangan ng mga magsasaka. |ifmnews
Facebook Comments