Tatlong construction worker, kumpiradong nasawi sa gumuhong gusali sa Maynila

Naialis na ang tatlong lalaking construction worker na nasawi matapos matabunan ng gumuhong lumang gusali ng Philam Life na nasa kanto ng UN Avenue at Maria Orosa St. Ermita Manila noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Bogarin, Joseph Laxa at Jomar Torillos.

Pasado alas-otso ngayong umaga isinagawa ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Philippine Red Cross (PRC) ang retrieval operation para sa mga na-trap ng gumuhong gusali.


Maliban sa mga nasawi, may dalawa pang construction worker ang na-trap pero himalang nakaligtas pero nagtamo ng injury sa katawan.

Samantala, pinag-utos naman MDRRMO ang pag-demolish ng nasabing gusali habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay MDRRMO Chief Arnel Angeles, lumambot ang lupa ng kinatatayuan ng gusali habang ginagawa ang demolisyon dahilan para tumagilid ito.

Napansin naman ito ng iba pang manggagawa kaya agad itong nakatakbo pero ang iba ay tuluyan nang natabunan.

Batay naman sa ulat ng Manila Police District, Sabado ng umaga nangyari ang insidente pero alas-7:00 na ng gabi ito nai-report.

Facebook Comments