Tatlong contract packages ng Malolos-Clark Railway Project, pormal nang nilagdaan ngayong umaga ng PNR at mga construction company na gagawa nito ayon sa DOTr

Pormal nang nilagdaan ang tatlong contract packages ng Malolos-Clark Railway Project ng Philippine National Railways (PNR) at ang mga intenational constraction company na gagawa nito.

Pasado alas-10:00 ngayong umaga, pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang naturang seremonya.

Aniya, ang PNR Clark Phase 2 ay bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) System project sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng Duterte Administration.


Ang mga lumagdang construction companies ay ang Hyundai Engineering and Construction Co., Ltd., Megawide Construction Corporation, Dong-Ah Geological Engineering Co., Ltd., Acciona Construction Philippines, Daelim Industrial Co., Ltd., at Italian-Thai Development Public Company Ltd.

Ang naturang mga kontrata ay kokompleto sa limag civil works packages para sa nasabing programa.

Matatandaan, ibinigay noong September 18, 2020 ang Notice of Awards para sa tatlong civil works contract packages sa mga nanalong bidder para sa Phase 2 ng naturang proyekto.

Facebook Comments