Nagbigay karangalan sa Lungsod ng Dagupan ang dalawang atleta at isang mang-aawit na Dagupeño matapos mag-uwi ng mga medalya mula sa international competitions.
Nasungkit ni John Matthew Manantan ang bronze medal sa Karate Men’s 67kg ng 33rd Southeast Asian Games sa Thailand, habang nagwagi rin si Susan Ramadan ng bronze medal sa Women’s 1500-meter event ng parehong torneo.
Samantala, nagkamit naman si Jasmine Andrea M. Dioquino ng gold medal sa Youth Ambassador Performing Arts Festival sa Vietnam, kung saan ipinamalas niya ang husay ng isang homegrown talent sa pandaigdigang entablado.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Dagupan, ang mga tagumpay na ito ay patunay ng disiplina, dedikasyon, at kakayahan ng mga Dagupeño na makipagsabayan sa matataas na antas ng palakasan at kompetisyon.









