Tatlong dayuhan na may pekeng travel documents, pinigil ng Bureau of Immigration

 

Hinarang ng Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong dayuhang pasahero na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng passport at visa.

 

Kabilang sa hinuli ng Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang Palestinian na sina Yousef Hilles at Nour Muamar, na patungo sana ng Malaysia gamit ang pekeng United Arab Emirates passports na may pekeng Philippine immigration arrival at departure stamps.

 

Inamin ng mag asawang Palestinian na nabili nila ang pekeng UAE passports sa halagang 10-thousand US dollars


 

Nahuli rin ang Senegalese passenger na si Fallou Thiam na nagtangkang lumipad patungong Toronto na may pekeng Canadian visa sticker sa kanyang passport na nabili niya sa isang kaibigang nagtatrabaho sa Canadian embassy sa Senegal.

 

Nagbabala naman ang BI sa mga dayuhan na huwag gagamiting jump off point ang Pilipinas dahil hindi sila makakalusot sa screening ng immigration officers sa bansa.

Facebook Comments