Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue Region No. 9A – CaBaMiRo sa mga delikwenteng Taxpayers na hindi nagbabayad ng tamang buwis na maaari silang matutulad sa tatlong delikwenteng taxpayers na kanilang sinampahan ng magkahiwalay na kasong kriminal sa Department of Justice.
Base sa record ng BIR No. 9A CaBaMiRo ang mga Korporasyon na sinampahan ng mga kaso ay ang FABCORP, INC.,Chairman/President Jose N. Fabian at Chief Financial Officer/Treasurer Elisa S. Fabian, PHILOTIMO CONSTRUCTION, INC. President Jaime Lucas, et al. at ang Batangas Proprietress MS. JUANITA L. ILAGAN na umaabot ng mahigit 17 milyong piso ang kanilang Tax Liability.
Napag alaman ng BIR na ang FABCORP ay may negosyong retail/wholesale of liquefied petroleum gas at at iba pang kahalintulad na fuel products na mayroong kabuuang Tax Liability para sa taxable year 2014 na nagkakahalaga ng P2,438,306.15 kabilang ang increments.
Samantalang ang PHILOTIMO na ang negosyo ay ang general construction business, ay mayroong kabuuang Tax Liability para sa taxable year 2014 na nagkakahalaga ng P3,742,090.56 kasama na rito ang increments,habang ang ILAGAN na gumagawa ng negosyo sa ilalim ng tradename na EJ Gasoline Service Station ay mayroong Tax Liability para sa taxable year 2012 na nagkakahalaga ng P11,787,131.90 kasama na rito ang increments.
Ayon sa BIR ang tatlong respondents ay nabigong magbayad ng kanilang kaukulang buwis sakabila ng pinadalhan na sila ng First and Final Notice, Preliminary Collection Letter, Final Notice Before Seizure at Final Demand na inisyu ng BIR CaBaMiRo at ibinigay sa kanila at paulit ulit na demands, ay binabalewala pa rin ng naturang mga kumpanya.