Tatlong drug suspek, arestado sa Muntinlupa City

49

Nahuli ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang tatlong drug suspek matapos ang kanilang isinagawang anti-illegal drugs operation sa Purok 6 Brgy. Bayanan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jayson Reyes, 29-anyos, Nestor Dolleton, 60-anyos at Jco Herrera, 28-anyos.


Sa ulat ng Muntinlupa Philippine National Police, nahuli ang tatlo nang magsagawa sila ng buy-bust operation.

Nakuha sa mga ito ang ilang sachets ng shabu na nasa 1.2 gramo at may street value na P10,320.

Sa ngayon, nahaharap na ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments