Tatlong drug suspek sa Malabon arestado matapos makuhaan ng 115 na gramo ng shabu

Nakakulong na ngayon ang tatlong drug suspek matapos mahuli sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Malabon City Police Station sa Brgy., Baritan Malabon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Clarence Evangelista ,37 anyos, Victor Valencia, 47 anyos at Allan Yumol, 43 anyos.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakuha sa 3 suspek ang 19 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang 115 gramo na shabu at may standard drug price na P782,000.


Nahaharap na ngayon ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments