Tatlong economic recovery bills, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpasa sa tatlong economic bills na layong palakasin ang paglikha ng trabaho at pagbangon ng ekonomiya ngayong pandemya.

Sa sulat ng Pangulo na ipinadala kay Senate President Vicente Sotto III, sinertipikahan niya bilang urgent bills ang Senate Bill No. 2094 o pag-amiyenda sa Public Service Act, Senate Bill No. 1156 o pag-amiyenda sa Foreign Investments Act of 1991 at Senate Bill No. 1840 o pag-amiyenda sa Retail Trade Liberalization Act of 2000.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagpasa sa tatlong panukalang batas ay layong magkaroon ng “conducive investment climate.”


Makakatulong aniya ito para dumami ang trabaho at oportunidad, isulong ang kompetisyon, at maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments