TATLONG ESTUDYANTE, LIGTAS NA NATAGPUAN MATAPOS MALIGAW SA KABUNDUKAN NG SAN FELIPE EAST SA SAN NICOLAS

Ligtas na natagpuan ang tatlong estudyante ng Red Arrow High School matapos ang halos tatlong oras na paghahanap nang maligaw ang mga ito sa kabundukan ng Brgy. San Felipe East, San Nicolas, Pangasinan.

Ayon sa ulat, naligaw ang mga kabataan matapos magtungo sa Pisi Bato, isang lugar na kilala sa makapal na damuhan at matatarik na daanan.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang MDRRMO San Nicolas, katuwang ang PNP San Nicolas, mga barangay council, at mga kasapi ng Civilian Volunteer Organizations (CVOs) mula sa mga barangay ng San Felipe East, San Felipe West, at Cacabugaoan.

Sa kabila ng dilim at mga panganib sa lugar, matagumpay na natagpuan ang mga estudyante at ligtas na naibalik sa kanilang mga pamilya.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga magulang sa mga rescuer, volunteers, at lokal na awtoridad sa mabilis at maagap na pagtugon sa insidente.

Facebook Comments