TATLONG FLOOD CONTROL PROJECTS SA PANGASINAN, NATAPOS NA NG DPWH

Natapos na ng DPWH ang tatlong mga flood control projects sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay matatagpuan sa Agno at San Juan River na siyang inaasahang makakatulong upang maiwasan ang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan.
Ayon kay DPWH Regional Director Ronnel Tan, inaasahang tutulong ang ginawang slope protection sa San Carlos City sa pagkontrol ng daloy ng tubig baha sa tuwing tag-ulan.
Samantala, umaabot naman sa 231 flood control projects ang natapos sa Brgy. Guelew habang 201 meter naman sa Brgy. Salinap ang nagawa na sa bahagi ng Agno River.

Ang nasabing mga proyekto ay nagkakahalaga ng 94.83 million pesos na inimplementa ng DPWH Fourth Engineering District Office.
Samantala, pinondohan naman ng 19 million pesos ang isang protective structure na matatagpuan sa Brgy. Turac sa bahagi ng San Juan River na inaasahang magpapagaan sa buhay ng mga apektadong residente. |ifmnews
Facebook Comments