Tatlong grupo ng technical divers, idineploy para sumisid sa Taal Lake

Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na bago para sa kanila ang isinasagawang technical diving para mahanap ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, karaniwan kasi ay mga biktima ng aksidente o ibang insidente ang kanilang nirerespondehan.

Sa pagsisimula ngayong araw ng pagsisid sa Taal Lake, tinututukan muna ng PCG ang diving site na nasa layong 100-270 meters mula sa pampang sa bayan ng Laurel, Batangas.

Hinati naman sa tatlong grupo ng technical wreck divers na sisisid para sa search and retrieval operations.

Sa kabila niyan, nakaantabay pa rin ang PCG sa lagay ng panahon upang siguruhin ang kaligtasan ng mga tauhan na kasama sa operasyon.

Mula kasi kanina ay nakararanas ng maulap na kalangitan at may minsang mga panaka-nakang ambon sa paligid ng lawa.

Facebook Comments