
Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tatlong pangunahing hakbang ng gobyerno para linisin ang mga anomalya sa flood control projects.
Una, tukuyin ang mga ghost at substandard na proyekto. Pangalawa, hanapin at papanagutin ang mga opisyal o kontraktor na sangkot. Pangatlo, magpatupad ng mga reporma para hindi na maulit ang korapsyon.
Ayon sa Pangulo, tinitingnan nila kung may kickback, sino ang hindi nagtapos ng proyekto, at sino ang lumabag sa batas.
Malaking aral aniya ang mga imbestigasyon kaya’t kailangang buksan ang lahat ng project data sa publiko para bantayan ng taumbayan ang pondo ng bayan.
Dahil dito, nilunsad ang Transparency Portal na isang permanenteng sistema para harangin ang katiwalian at siguraduhing malinis ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto.









