Tatlong high value target sa droga, arestado sa Pasay City

132

Manila, Philippines -Natimbog ang tatlong drug personalities na high value target ng Pasay City Police Drug Operatives saikinasang drug buy bust operation sa Pasay City.

Batay sa report ng Southern Police District, ikinasa ng Pasay City Drug Enforcement Unitang buy bust operation alas 10:30 ng gabi sa kahabaan ng Riverside, brgy 179maricaban Pasay City at 641 gamban Riverside brgy 143 zone 15 Pasay City kung saan nag resulta sa pagkakaaresto sa mga suspek Na sina  Jobert Fernandez Pipoy 22 anyos, Joel Titanisan Calanoc Alyas Jojo 39 anyos kapwa residente ng brgy 179 zone 19maricaban as Pasay City at George Guiraldo Elpides Alyas boy kirat 46 anyos at residente ng 641 gamban Riverside brgy 143 zone 15 sa Pasay City.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet nanaglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na 18,000 at 500 pisong buy bust money.

Habang nakumpiska naman kay Guiraldo ang limang maliliitna sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa 1,000 pisong halaga at dalawang pirasong 100 piso na buy bust money.

Kabilang din ang mga naturang suspect sa listahan ng Pasay Police station sa high value target level 1 na kapwa nahaharap sa kasongpaglabag sa section 5 at 11 art 2 at RA 9165 na isasampa sa korte laban sa mga ito.

Facebook Comments