Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Angono, Rizal Police Drug Enforcement Unit ang tatlong kalalakihan na hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Villa Gloria Subdivision Brgy. San Isidro.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Del Rosario y Villanueva, Ernesto Bajado y Paalisbo at Elmer Diaz, pawang mga nasa hustong gulang.
Ayon kay Angono, Rizal Chief of Police Lt. Col. Noel Campos, isang tawag ang natanggap nila na mayroong isinagawang transakyon sa iligal na droga sa Villa Gloria Subdivion kung saan agad na ikinasa ng mga otoridad ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may market value na P100,000 kasama ang ginamit na kotse ng mga suspek at buy-bust money.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa tatlong pinaghihinalaang drug pusher.