Tatlong hinihinalaang miyembro ng salisi gang kabilang ang 2 menor de edad, arestado sa San Juan City

40

Kalaboso ang tatlong hinihinalaang kasapi ng salisi gang matapos na tangayin ng mga ito ang cellphone ng dalawang vendor sa parking area ng San Juan Medical Center, sa No. 7 San Juan Medical Center, N. Domingo St., Brgy. Balong Bato, San Juan City.

Arestado ang suspek na si Arn Adria Reyes, 23-anyos, kasama ang dalawang menor de edad makaraang salisihan ng mga ito ang mga biktimang sina Susana Sabuero, 36-anyos at Jessie Mabalhin, 37-anyos pawang mga vendor.


Ayon sa security guard na si Marham Dakis, iniwan ng mga biktima ang kanilang mga cellphone na naka-charge sa parking area ng naturang hospital, maya’t maya’y nakipagsabwatan ang tatlong suspek na tangayin ang naturang mga cellphone pero nakita ito ng guwardiyang si Dakis kaya’t agad na dinampot ang dalawang suspek samantalang ang huling menor de edad na suspek ay boluntaryong sumuko at isinauli ang ninakaw nitong mga cellphone.

Nakapiit na sa San Juan City Police Station si Reyes habang ang dalawang menor de edad ay nakatakdang ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments