Tatlong hinihinalang carnaper, patay sa Q.C

Manila, Philippines – Patay ang 3 hinihinalang carnaper matapos manlaban sa mga tauhan ng Quezon City Police District alas onse kagabi.

Bulagta sa madilim na bahagi ng baluyot drive bgry sauyo ang mga suspek katabi ang 3 baril at isang motorsiklo na kulay orange

Ayon sa 4 na pulis sakay ng mobile unit QC187 , sinita nila ang 3 suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at walang suot na helmet.


Pero imbis na huminto, tumakas ito at pag dating sa Baluyot Drive pinagbabaril na ang mga pulis.

Maswerteng sa salamin lang ng mobile tumama ang bala at sa pag ganti ng mga pulis, patay ang 3 suspek.

Hinihinalang carnaper ang mga suspek matapos mabawi sa kanila ang isang orange na motorsiklo , tugma sa ini report na motor na nawawala sa lugar.

Facebook Comments