Tatlong hinihinalang nasa likod ng suicide bombing sa Jakarta, Indonesia, arestado

151

World – Tatlong katao na hinihinalang nasa likod ng pambobomba sa isang bus station sa Jakarta ang naaresto ng Indonesian police.

Ayon kay Yusri Yunus, west java police-public relations head – naaresto ang mga suspek sa Bandung.


Nabatid na tatlong pulis ang nasawi sa pagsabog habang 12 iba pa ang sugatan.

Una nang inako ng teroristang ISIS ang insidente.

DZXL558

Facebook Comments