TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATION

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang PNP Solano na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa Brgy. Concepcion, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon sa kapulisan, nakatanggap umano sila ng ulat galing sa isang confidential informant tungkol sa isang grupong naglalaro ng sugal.

Agad naman silang nagtungo sa lugar at doon ay naaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng “Tong-its”.


Narekober mula sa mga suspek ang isang set ng playing cards at cash bet.

Agad na dinakip ang mga suspek at dinala sa himpilan ng Solano Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments