Tuesday, January 20, 2026

TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA PANGASINAN; SHABU NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT ₱110,000 NASAMSAM

Tatlong indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Bayambang at Calasiao, Pangasinan nitong January 19 hanggang January 20, 2026, kung saan nasamsam ang mahigit 16 gramo ng hinihinalang shabu.

Dakong alas-11:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Bayambang Police Station bilang lead unit katuwang ang 105th Maneuver Company, RMFB1, at PDEA laban sa isang 39 anyos na tricycle driver sa Bayambang.

Sunod naman na naaresto ang suspek at nasamsam ang 1.9 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱12,920.00.

Samantala, dalawang lalaki na edad 25 at 22, kapwa residente ng Calasiao, ang naaresto ng Calasiao Municipal Police Station sa isang hiwalay na buy-bust operation na isinagawa katuwang ang PDEA RO1.

Sa operasyon, nasamsam ang 14.30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱97,240.00, kasama ang iba pang mahahalagang ebidensya.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga akusado habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments