Tatlong lalaki ang naaresto sa operasyon laban sa ilegal na pagsusugal sa San Fernando City, La Union.
Ayon sa ulat, nahuli sa aktong naglalaro ng “tong-its” ang mga suspek na isang tricycle driver at dalawang construction worker at pawang mga residente ng lungsod.
Nakumpiska sa kanila ang isang set ng baraha at ₱341 na pinaniniwalaang pusta.
Nahaharap ngayon ang tatlo sa paglabag sa City Ordinance No. 3, Series of 1970 o Anti-Illegal Gambling Ordinance ng San Fernando City.
Facebook Comments









