Timbog ang tatlong indibidwal matapos mahulihan ng P302,600.00 na halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Pangasinan at Ilocos Sur.
Sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad sa Dagupan City, nasakote ang Isang babae at lalaki na nahulihan ng 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.00.
Sa Magsingal, Ilocos Sur, isang 34-anyos na magsasaka ang naaresto sa bisa ng dalawang warrant of arrest.
Narekober mula sa suspek ang 14.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P98,600.00, baril at bala. Kulong ang tatlo na nahaharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments