Tatlong indibidwal, nasawi habang 13, nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta ayon sa NDRRMC

Tatlong indbidwal na ang naitatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi sa dalawang bayan sa Negros Oriental at isa sa bayan ng Mogpog sa Marinduque dahil sa pananalasa ng Bagyong Quinta.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, dalawa sa nasawi ay nalunod, isa ay 60 na taong gulang na residente ng Siaton Negros Oriental at isa naman ay isang lalaki na hindi pa tukoy ang edad na residente ng Bindoy Negros Oriental.

Habang hindi pa matukoy ni Timbal ang isa sa mga nasawi sa Mogpog, Marinduque.


13 naman ang naitatalang missing o nawawala ng NDRRMC.

Siyam dito ay mga mangingisda sa Catanduanes, Isang crew ng yate na nawala sa Bauan Batangas, isa na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Odiongan Romblon, isang mangingisda sa Iloilo at isa pang lalaki na tinangay ng malakas na agos ng Ilog sa Negros Oriental.

Isa naman ang naging sugatan sa Mogpog, Marinduque nang mabagsakan ng babasaging bagay sa kanilang bahay.

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na tinumbok ng Bagyong Quinta para matukoy ang mga naging pinsala nito at para mabigyan ayuda ang mga lubhang apektado.

Facebook Comments