TATLONG INDIBIDWAL SA MANGALDAN, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG HINIHINALANG SHABU

Himas rehas ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Mangaldan.

Huli ang mga suspek matapos ang isinagawang buy bust operation ng Mangaldan Municipal Police Station sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1).

Narekober sa mga ito ang limang gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 34,000 pesos.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments