Tatlong Indonesians Pinalaya Ng Abu Sayyaf – Pero, Mahigit Sampung Bihag Hawak Pa Rin Ng Mga Bandido

10

INDANAN, SULU – Tatlong iba pang Indonesians na bihag ng Abu Sayyaf Group ang pinalaya sa Indanan, Sulu, kahapon.Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, iti-nurn over ni mnlf chairman nur misuari ang mga dating hostage kay Sulu Governor Totoh Tan.Anya, personal siyang tinawagan ni Misuari para ipaalam ang paglaya ng mga bihag na sina Edi Suryono, Ferry Arifin, at Muhamad Mabrur Dahri.Hiniling din ni Misuari sa kanya na ipaalam ang magandang balita kay Pangulong Rodrigo Duterte.Nakatakdang dalhin ang mga napalayang bihag sa Zamboanga City ngayong araw para sa pagturn-over ng militar sa Indonesian government.Sa ngayon, walong dayuhan at tatlong pinoy pa ang natitirang bihag ng bandidong grupo.

Facebook Comments