Tatlong isla sa Pilipinas, kabilang sa Top 10 Islands in Asia ng isang foreign travel magazine

Napasama ang mga isla ng Boracay, Palawan, at Siargao sa listahan ng Top 10 Islands in Asia ng foreign travel maagzine na Conde Nast Traveler’s Readers’ Choice Awards 2023.

Nasungkit ng Boracay ang ikatlong pwesto, na may score na 91.07 habang pang-anim na pwesto ang Palawan na may 89.71 points at Siargao na nakakuha ng 87.37 points para sa ika-sampung pwesto.

Nanguna naman sa listahan ang isla ng Bali sa Indonesia habang kabilang din sa listahan ang mga sumusunod:


• Koh Samui sa Thailand
• Phuket sa Thailand
• Langkawi sa Malaysia
• Sri Lanka
• Phú Quốc sa Vietnam
• At Okinawa at Ryukyu islands sa Japan

Ayon sa Conde Nast Traveler, nasa 600,000 readers ang lumahok at naging bahagi ng online poll.

Una nang naghari ang Boracay sa nasabing listahan noong 2020 at 2022.

Facebook Comments