Tatlong kababaihang hinihinalang drug pusher, arestado sa Taguig at Muntinlupa

Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Vicente Danao Jr. na walang tigil ang anti-illegal drug operation ng mga pulis sa buong Metro Manila.

Katunayan, tatlong kababaihan na hinihinalaang tulak sa iligal na droga ang naaresto sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City.

Ayon kay Danao, ang unang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa #15 C Balagtas Street, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City ay sina Lawan Limbao at Aida Palog kung saan nakumpiska sa kanila ang humigit kumulang 81.11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P551,548.


Naaresto rin sa isinagawang buy bust operation si Kim Delos Santos sa Purok 4, Brgy. Alabang, Muntinlupa City kung saan nakakumpiska ng 100 gramo na nagkakahalaga ng P680,000 kayat umaabot sa mahigit P1.2 milyong piso halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa tatlong mga kababaihan.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments