
Tatlong kabataan, kabilang ang isang menor de edad, ang naaresto matapos umano nilang pagnakawan ng bisikleta ang isang residente sa Barangay Capaoay, San Jacinto, Pangasinan noong tanghali ng Oktubre 28, 2025.
Batay sa imbestigasyon, nadiskubre ng biktima na nawawala ang kanyang bisikleta bandang alas-11:48 ng umaga. Isang kapitbahay ang nakakita sa tatlong suspek habang kinukuha ang nasabing bisikleta at agad itong ipinagbigay-alam sa may-ari.
Nang suriin ng biktima ang kuha sa CCTV, nakumpirma niyang ninakaw nga ng mga suspek ang kanyang bisikleta mula sa harapan ng kanyang bahay.
Mabilis na rumesponde ang mga residente at naabutan ang mga suspek, na kalaunan ay itinurn-over sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









