TATLONG KABATAANG ALAMINIANS, NAGBALIK NG NAPULOT NA ENVELOPE NA MAY LAMANG MALAKING HALAGA NG PERA

Kung anong itinanim siyang aanihin yan ay isang kasabihan na ang ibig sabihin ay kung anong ginagawa o ginawa ay siya ring gagawin o babalik sa’yo.
Marahil proud na proud ang mga magulang ng mga batang hinahangaan ngayon sa Alaminos dahil sa kanilang murang edad alam nila ang tama sa mali at ang takot na gumagawa ng mali na siyang itinuro sa loob ng tahanan.
Sina John Vincent Camorillo, Andre Joaquin Aquino, at John Denver Pugnet ay ang mga batang nagpakita ng katapatan matapos nilang ibalik ang napulot na envelop na naglalaman ng malaking halaga.

Sila’y binigyang pagkilala ng LGU Alaminos at gayon mula sa social media.
Nawa’y ang ipinakitang kabutihan ay kanilang madala hanggang paglaki at ang katapatan nilay tularan din ng ating mga Idol mapabata man o matanda. |ifmnews
Facebook Comments