Sa kabila ng pagpapaaresto na ng korte sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa kaso nilang murder kaugnay sa pagkamatay sa hazing ni PMA Cadet Darwin Dormitorio, mananatili pa rin sa custody ng Armed Forces of the Philippines (AFP) custodial and detention center sina PMA 3rd Class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag at PMA Cadet Julius Tadena.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, matagal ng nakakulong sa AFP custodial and detention center ang tatlo kaya hindi kailangan pang arestuhin.
Sa ngayon, hangga’t walang panibagong utos ang korte na alisin sa kanilang custody ang tatlo ay mananatili ito sa kanila.
Tiniyak ni Arevalo na agad nilang maihaharap ang tatlo sa General Court Martial at sa korte anumang oras na kailangan lalo’t patuloy ang pagdinig sa kasong kriminal ng mga ito.
Samantala, ayon pa kay Aervalo, ang tatlong military doctor naman ng PMA Station Hospital na pinaaresto rin ng korte matapos kasuhan ng pagpatay ay nakapagpiyansa na.
Kabilang dito si Maj. Maria Ofelia Beloy habang ipino-proseso na ang piyansa nina Capt. Flor Apple Apostol at Lt. Col. Ceasar Candelaria.