Tatlong kadeteng dawit sa pagkamatay ng hazing victim na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law

Kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law ang tatlong Kadete na sangkot sa pagkamatay ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Base sa walong testigo na nagbigay ng sinumpaang salaysay, si 1st Class Cadet Axl Rey Sanopao ang nag-utos kina 3rd Class Cadet Felix Lumbag Jr. at Shalimar Imperial na saktan at pahirapan si Darwin.

Ayon kay Baguio City Police Office Director, P/Col. Allen Rae Co, hawak na nila ang handwritten statement ng namatay na Kadete na ginawa noong Agosto nang ma-confine siya.


Itinuturo ni Dormitorio ni lumbag ang nanakit sa kanya.

Bukod sa mga kasong kriminal, tanggal sa PMA ang tatlong Kadete kasama si 2nd Class Cadet Nickoel Termil.

Tinanggal na rin sa pwesto ang attending Physician ni Dormitorio na si Dr. Flor Apple Apostol at Commander ng PMA Hospital na si Col. Cesar Candelaria.

Sibak din ang dalawang Tactical Officer.

Facebook Comments