TATLONG KALALAKIHAN, KULONG SA PAGBEBENTA NG DROGA

Arestado ang tatlong mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng PNP Tuguegarao sa Ugac Sur, Tuguegarao City.

Ang mga naaresto ay kinilala bilang sina alyas Jake, 39 anyos; alyas Boy, 32 anyos; at alyas Felino, 66 anyos; lahat ay pawang mga construction worker at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng Tuguegarao City Police Station at Isabela Provincial Office Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 sa pagsasagawa ng buy-bust operation kung saan isang miyembro ang nagpanggap na poseur buyer at nakabili ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si Boy.

Nahuli ito sa akto nang iabot nito ang droga sa harap ng bahay ni Dino.

Natunugan naman ni alyas Boy na isang operatiba ang kausap nito kung kayat mabilis na isinara ang pinto subalit mas maagap ang back-up team at tumakbo patungo sa transaction site at sinundan si Boy sa loob ng nabanggit na bahay.

Nabulaga sa loob sina alyas Jake at Dino na kasalukuyang nagpa “pot session”.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang pirasong brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot sa diyaryo at packing tape; tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; (7) pitong pirasong ginamit na aluminum foil na may residue ng shabu; apat (4) na pirasong plastic sachets na may residue ng shabu; (7) pitong pirasong disposable lighter; atisang genuine Five Hundred Peso bill mula kay Boy.

Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Police Community Precinct Downtown, Tuguegarao City habang inihahanda naman ang mga dokumento para sa pagsampa ng kasong may paglabag sa RA 9165 laban sa tatlong drug suspek.

Facebook Comments