Tatlong kasapi ng BIFF arestado, 3 matataas na uri ng armas narekober

Maguindanao, Philippines – Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang arestado sa isinagawang clearing operation ng mga otoridad sa barangay Meta sa bayan ng Datu Unsay Maguindanao kahapon ng umaga.

Ito ang inihayag sa RMN Cotabato ni DPAO Chief at 6th ID Spokesperson Capt. Marvin Encinas. Narekober din sa tatlo ang tatlong matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng 2 m16 armalite rifle at isang baby armalite rifle.

Hindi naman nanlaban ang tatlo ng maaresto.


Ayon pa kay Capt. Encinas ang pagkakaaresto sa 3 ay bahagi ng kanilang pinalakas na kampanya kontra terorismo sa lalawigan.

Facebook Comments