Tatlong Katao, Huli sa Tong-Its!

Santiago City- Nahaharap sa Kasong Paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang tatlong indibidwal matapos mahuling naglalaro ng “Tong-Its” dakong alas kuwatro kahapon, Abril disi syete, sa barangay Centro West, Santiago City.

Sa impormasyong ibinahagi ng Santiago City Police Station 1, Ang mga nadakip ay kinilalang sina Maika Estocado, trentay syete anyos, residente ng barangay Calaocan, Santiago City, Oliven Ganzo, trentay dos anyos, Ruben Lucas, singkwentay otso anyos na pawang mga residente ng barangay Centro West, Santiago City.

Nakuha mula sa kanilang paglalaro ang isang set ng barahang ginamit at mahigit dalawang daang pisong halaga sa kanilang paglalaro ng Tong-its.


Nasa himpilan na ng tanggapan ng pulisya ang tatlong nahuli na mapapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments