Timbog ang tatlong katao sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng pulisya at PDEA sa Dagupan City, Pangasinan.
Matagal na umanong minamanmanan ng awtoridad ang mga target upang kumpirmahin ang ginagawa nilang aktibidad na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska sa mga ito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nasa 12 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 82,400 pesos.
Nakumpiska rin ang ilang drug paraphernalia.
Inihahanda na ngayon ang kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na kakaharapin ng mga naarestong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









