Tatlong korporasyon, inireklamo ng BIR sa DOJ

Hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong korporasyon dahil sa tax evasion na nagkakahalaga ng P259-million.

 

Inirereklamo ng BIR sa DOJ ang Reach High Multi-Sales Corporation gayundin ang presidente nito na Ruth Bernardo at Treasurer Merlinda Barroga dahil sa utang sa buwis mula January 1 hanggang June 30, 2013 na nagkakahalaga ng P173.4 million pesos.

 

Aabot naman sa P70.7 million pesos ang hinahabol ng BIR na buwis mula sa Coldsun Multi-Sales Co gayunsin ang General Manager na si Romnick Patoc at Partner na si Rodrigo Campued dahil sa  hindi  raw pagbayad ng buwis noong 2013.


 

Kinasuhan naman ng BIR ang L.M. Syquia Inc. at ang presidente nito na si Carmela Olivares at treasurer na si Maria PAZ Kane dahil sa utang sa buwis na P15-million noong taong 2013.

Facebook Comments