Tatlong kumpirmadong kaso ng Delta variant, naitala sa Pasay

Kinumpirma ni Mayor Emi Calixto Rubiano na tatlo sa mga residente ng lungsod ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Mayor Rubiano, lumabas kahapon ang resulta ng genome sequencing kung saan nagpositibo sa virus ng Delta variant ang tatlong katao.

Tumaas din ang kaso ng active cases ng COVID-19 sa lungsod na umabot na rin ito sa 190 individuals.


Resulta ito ng ginagawang puspusang contact tracing ng Pasay sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Paglilinaw ng alkalde, magaling na ang tatlong tinamaan ng Delta variant pero nanatili pa rin aniya sila sa isolation facility upang matiyak na hindi na sila makahahawa sa iba pang mga residente sa lungsod.

Facebook Comments