Dalawang uri ng kuwago ang natagpuan sa bakuran ng ilang concerned citizen sa bayan ng Bayambang.
Isinurender ito sa mga opisyal ng barangay at bayan na agad naman na rescue ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) upang mabigyan ng sapat na pag-aalaga.
Ang mga kuwago ay napag alamang isang Philippine scops owl (Otus megalotis), at juvenile Eastern grass owl (Tyto longimembris).
Ayon kay MENRO Joseph Anthony Quinto, ang unang ibon ay dinala sa mga lokal na veterinary clinic, ngunit ito ay tinanggihan matapos ipaliwanag ng mga klinika na hindi sapat ang kanilang pasilidad para gamutin ang ibong ilang, kaya’t dinala ang sugatang ibon sa CENRO-Dagupan. Ganoon din ang ginawang pagrescue sa dalawang juvenile grass owl.
Ang Philippine scops owl ay narelease ng DENR sa damuhan.
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan na ayon sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act (Republic Act No. 9147), ipinagbabawal ang paghuli, pag-hunting, o pag-aalaga ng mga ibong ilang tulad ng mga naturang kuwago.
Ang mga naturang nilalang ay may mahalagang papel sa kalikasan, partikular na sa pagpapanatili ng biodiversity at ecological balance. |ifmnews
Facebook Comments