Tatlong lalaki arestado dahil sa iligal na pagbebenta ng mga umanoy gamot kontra COVID-19 sa Batangas

Nahuli sa entrapment operation ng mga otoridad sa Lipa City, Batangas ang mga suspek na umanoy iligal na nagbebenta ng overpriced na gamot kontra COVID na Tocilizumab.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Allan Navassero, Jomar Baculo at Gerard Magbanua.

Nadiskubre sa isang bodega sa Barangay Pangao sa Lipa ang mga ebidensya kabilang ang kopya ng resibo ng Tocilizumab na nagkakahalaga ng 188,000 pesos.


Maging ang Isang icebox na naglalaman ng dalawang vials ng Tocilizumab at dalawang piraso ng Tocilizumab 400 milligrams, 20ML.

Isinagawa ang operasyon makaraang ireklamo ng impormante na si Navaserro ay sangkot sa iligal na pagbebenta at overpricing ng nasabing gamot na paglabag naman sa Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Batay pa sa verification sa Food and Drug Administration (FDA), walang lisensya si Navaserro para magbenta ng nasabing mga gamot.

Facebook Comments