Tatlong lalaki, arestado dahil sa paglalaro ng Cara y Cruz sa Las Piñas City

Huli ang tatlong lalaki matapos maaktuhang naglalaro ng ipinagbabawal na Cara y Cruz sa Brgy. Talon Uno, Las Piñas City.

Kinilala ang tatlong lalaki na sina Cherrie Gulane, 40-anyos, Edwardo Pakinggan, 20-anyos at Hermiegil Leonardo, 34-anyos.

Sila ay inaresto ng mga tauhan ng Las Pinas City Police Station.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa ng Oplan Galugad/Anti-Illegal Gambling Operation ang mga tauhan ng Las Pinas PNP nang maaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng Cara y Cruz kaya pinaghuhuli ang mga ito.

Nakuha sa kanila ang anim na piraso ng P20 bill at iba pang mga coin na nagsisilbing taya sa ilegal na sugal.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa paglabag Presidential Decree No. 1602 o Illegal gambling.

Facebook Comments